sakit… ang nasasa isip,
lungkot… ang naidudulot..
sa muli at muli mong pagsulpot,
sa balintataw na pilit nililimot.
pabiling – biling… pabali baligtad…
ikot dito, ikot doon…
ano’t di matukoy,
ang ninanais na posisyon
-
sa loob ng mahabang panahon,
dala ko ang natatanging pagkakataon,
nang ang iyo at aking paningi’y magkatuon.
mula
pagmamahal at pagtingin
ay patuloy na yumabong.
ngunit, minsan may di nakadama,
munti mang pagkalinga mula’t mula pa,
dahil tila ang pag-ibig na pinapangarap,
ay nagmumula lamang sa isang akala.
sa kabila ng lahat,
araw at gabing ika’y naaalala,
pagsambit ng pangalan mo,
kasama sa pagbuntong hininga.
tama na tama na,
madalas na isipin,
ngunit ang naisin,
ay kaiba sa damdamin.
hanggang kailan dadalhin,
ang bigat na pasanin,
hungkag na pusoy,
tila nangunguluntoy na rin.
tama na puso tama na,
dinggin yaring panaghoy,
dahil dapat na pakatandaang,
puso ri’y naluluoy.
-
Bakit minamahal ka?
Mula
ikaw sa puso at isip ay naroon.
Napakahirap na dalahin,
sakit sa puso ay pasanin.
Munting saya ay madarama
sa sandali na tayo’y magkita.
Ngunit takot sa dibdib ay tuwi-tuwina
Lalo’t ikay di kasama.
Anong ligaya ang kamtan,
sa tuwing ang balat sa balat ng bisig ay nadarama.
ilang taon na nga mula ng magkita,
ngunit hanggang ngayon, damdami’y di nag-iiba.
Ang uring ito ng puso ay nag-iisa,
dadalhin hanggang sa huling hininga.
Minamahal nga ba kita?
- March 17, 2008